Let Her Cry
Tempus fugit et nos fugimus in illus.
pro re nata
I wondered what happened when you offered yourself to someone, and they opened you, only to discover you were not the gift they expected and they had to smile and nod all the same.
—
auditory hallucination
This Month
Graveyard
Hedonism
Consummatum est
Ad lib
- Helena on The Other Girl
- jerbaox on The Other Girl
- Heleyna on The Other Girl
- Robert on The Other Girl
- Heleyna on The Other Girl
- Robert on The Other Girl
- Heleyna on The Other Girl
- Robert on The Other Girl
- Helena on The Other Girl
- Robert on The Other Girl
semper fidelis
joycee (367)
epfi (73)
neto (60)
charlie (38)
kirksydney (38)
potsquared (37)
cindyrella (35)
jeniffer (33)
kengkay (33)
Sam (32)
revsiopao (28)
chicksykat (26)
eliment (26)
Kokomo Beach
Metacarpals
Adrenaline
- Find a Death
- Joycee’s Online Shop
- Pamantasan ng Lungsod ng Maynila
- Powerbooks Pinoy
- The Death Clock
- The Home of NU Rock
- Victoria Francés Fansite
Androgens
- An Indecent Mind
- Anak ni Kulapo
- Awesome Pain
- Azrael World
- Blog ni Rey
- Bonistation
- Buhay, Pangarap at Paglalakbay
- Cute na Dikon
- Dear Diarya
- Down to Dust
- Eli’s Blographics
- Epfidemic
- Flamindevil
- Ginisang Alamat
- Jex ~ Saah Paahk
- Jorge’s Travel, Food and Leisure Blog
- JOSELTP’s Art & Artnot
- Kirksydney
- Kutserong Kulot
- Kuya Utoy Saves
- Kwentong Barbero
- Mak d’ Leech
- Payatot Lahat Dito Chubby
- Pinoy Teens
- Pot Squared
- Pugad Maya
- Sa Pak-Pak ng Aking Pangarap
- Sound of my Heart
- teh mighty JON CABRON show
- The Buyoy
- TopExpress
- Wait and Bleed
- Webslave’s Portal
Estrogens
- Aishit3ru
- Alanis
- Anak ng Pating
- Anak ng Piso
- Anghel Sa Lupa
- Archie Aquino
- Attorney Libay
- Beatnik Baby
- Bipolarsisa
- Blissful Bobby-Soxer
- Blog ni Nyay Maha-LHAY
- Bojoy’s Portal
- Chicksykat
- Cindyrella Stories
- Crimson Heavens
- Dyosa Mumu
- Eiwanku
- Emilayskie
- Halavera
- Heart of Darkness
- Hideout
- Ifoundme’s Niche
- Ikay
- Jenn Was Here
- Khzr4u is Twisted
- Kwentong Kengkay
- Life Less Serious
- Mahiyain talaga ko, Promise
- Maureen
- Muymuy
- Naglalambing na Cute
- Off the Top Of My Head
- P0kw4ng’s Uncensored Mind
- Postscript
- Sticky Tape and Apron Strings
- Walong Bote
Grafenberg Spot
Chew-the-Fat
in-patients
Sad and so beautiful
Young and alone
And so far from home
Much too much for you
Much too soon
Empty eyes gazin’ at the moon
As sure as I’m standing here
You’ll never have to be afraid
As sure as I’m standing here
I’ll try and help you find your way
Oh I swear, as sure as I’m standing here
You’ll never need to be alone
You’ve got my word
As sure as I’m standing here
Sometimes I look at you
Sleepin’ like a baby
Your hair combed with sunlight
Full of sweet days
You say nothin’ matters
Say you know how it is
Did you think it would be like this?
But sure as standing here
You’ll never have to be afraid
As sure as I’m standing here
I’ll try and help you find your way
Oh I swear, as sure as I’m standing here
You’ll never need to be alone
You’ve got my word
As sure as I’m standing here
Oh I swear as sure as I’m standing here
I’ve always been open about my friendship with Joycee. My sisters and even some of my online friends will often joke "Ah si Joycee, yung dyowa mo?" My ex-bf knew about her, my chatmates and plurkmates. Ok I’m gulity madalas ko kasi sya makuwento kahit kanino. Lagi din syang laman ng bawat post ko, so I know she doesn’t need any introduction but still…
Si Joycee ang isa sa mga link na nasave ko bago mag-offline ang Wordpress Pinoy. I tried visiting her blog medyo nag-aalangan nga ako nung una kasi mukha syang "maarte" and nose bleed pa ang posts. Kung hindi ako nagkakamali ito ang first comment ko sa blog nya:
June 12, 1988 - pitong taon ako ng mapangakuan ng engrandeng treat sa Jollibee {treat lang hindi party} ni papa. At dahil first time ko tandang tanda ko na halos maihi ako sa short ko sa sobrang excitement na makakain ng french fries at choco sundae.
Ang siste sumakit na ang tiyan ni mama nung hapon na paalis na dapat kami…sabi nila "Mukhang hahabol ang baby boy nyo sa birthday ni ate." Oo tama ka kahit wala naman tayong pera nun para magpa-ultrasound alam naming lahat na lalake ka paglabas mo. BAKIT? Una, sabi kasi ng manghihilot. Sabi din ni mama malikot ka daw sa loob ng tyan nya parang nagba-basketbol. Hula din ng lahat kasi pang-apat ka na…ramdam nila lalake ka na! (more…)
Minsan natanong ni Potpot sa kin "Hindi ka mahilig magkwento no?" Sabi naman ni Robert "Hindi ka mahilig magtanong no?"
Honestly, mahilig ako magkwento tanong nyo pa kay Joycee at Epfi, mahilig din ako magtanong. Pero mas madalas lang talaga na tahimik ako. Obvious din naman siguro na medyo hindi ko na naasikaso itong blog ko. Pasenysa na, wala lang talagang drive mag post lately. And what’s scary is hindi ko alam kung bakit. Naghahanap nga ko ng inspiration sa iba, nagtatanong tanong. Si Joycee gusto about love na naman. Sows! pass na nga muna ko dyan.
Well, nakakuha rin naman ako ng idea. Salamat kay lolipots. Sabi nya kanina: Ano bang mga bad habits mo? Bigyan mo ko ng tatlo.
Eto na! Hindi lang sya tatlo…at actually hindi pa ito kumpleto! Salamat! Mwah!
1. Hindi ako mahilig magbilang ng sukli. At sa iilang pagkakakataon na nagbilang ako..madalas kulang ang isinusukli sa kin. Malay ko kung ilang taon na kong nagogoyo. Eh sino ang tanga?
2. Sasabihin nyo malamang lahat naman tayo nagka-cram. Sa pagre-review, pangongopya ng notes pag kelangan mag-pass ng notebook, projects, thesis etc etc. Well ang kaibahan ko madalas hindi ko natatapos lahat ng gagawin ko. So I’ll end up either walang napapasa, or nagpapasa ng kulang. Except siguro yung thesis ko. Bihira ko din natatapos lahat ng reviewers at lecture notes ko…syempre lahat isinasalalay ko na lang sa dasal at sa walang kamatayang - stock knowledge lolz
3. Hindi ako nagpaplantsa ng damit ng maayos. Isa sa pinaka-hate na gawain ko yan. Kaya okay lang sa kin pumasok na madaming lukot lukot ang uniform. At wapakels ako kahit pa sabihin mong "Anubayan, para kang hahabulin ng plantsa sa suot mo."
4. Hindi ako mahilig uminom ng tubig. Coke ang tubig ko. Pero sinusubukan ko naman magbago pramis!
5. Ayokong nagpapadoktor. Yeah I know ironic. Pero bukod sa magastos kasi, matigas lang talaga ang ulo ko lolz.
6. Nahihirapan ako mag-reject ng tao. At hindi din ako sanay magtaray kahit minsan kailangan. Sobrang bihira ako magalit. At minsan kahit nasaktan na…ngingiti lang ako.
7. Kalabasa lang ang gulay na kinakain ko na nag-eenjoy ako. Yung iba napipilitan lang akong kainin. Except yung coleslaw…anong gulay ba yun? wahaha
8. Bihira ako nakikinig sa klase pag lecture, minsan sa limang subjects ko sa isang araw, isa lang dyan ang pinapakinggan ko. Depende pa sa topic.
9. Oo nagsusungit ako pag meron ako. Blame it on the hormones wag sa kin. :P
10. Hindi ako nagdadala ng payong.
11. Weakness ko yung mga taong sobrang sweet. Boys and girls alike. At dahil gullible ako minsan nakakakuha ako ng false friends dahil dyan.
12. Selosa ko kapag may karapatan ako. At kahit wala.
Hindi ito tag. Mgapasalamat kayo. =)
**Check my Pibertdei page nga pala. Thanks nga pala kay Cidyrella at Lovely! << early birds hihi. Kisskiss!
**Next post yung votes ko sa Influential Blogger. (more…)
Tag ng ever-pretty mom na si Emilayskie. Shoot na!

Simple rule: sagutan ang ang iba’t ibang categories.
8 THINGS I’M LOOKING FORWARD TO
1. FIRST DATE - Sa May 28 ay 3 months na kong single. Siguro by June or July pwede na naman siguro kong makipag-date. Friendly date lang naman. Pramis. Eh kung sya nga nakikipag-date na eh. Awww ampalaya!
2. SECOND BOYFRIEND - ♫ Kahit hindi gwapo…kahit na di matalino. Basta’t sya’y may puso. . .♫ Istapit!! Pwede na nga pala magpasa ng application forms and resumes. Kahit yung mga dating nag-apply na hindi natanggap or kahit yung mga nalay-off pwede pa din uli mag-try. Kanino magpapasa? Kay Bes na lang. LOL
3. FINISH MY CLERKSHIP - Sawang sawa na ko sa mga nagtatanong "Kung 4th year ka ngayon…ano ka after nyan?" At least nekstaym maikli na lang explanation. - "I’ll take the boards next year." Oha di ba antaray!
4. LAPTOP - Pagod na kong magpasa ng medical history, medical abstracts and discharge summary na puro handwritten. Antaba na ng kalyo ko..parang ako. At sa internship…bawal na yun. Awwww.
5. POSTPAID INTERNET CONNECTION - Aawitan ko pa to sa tatay ko. Goodluck sana hindi ako sintunado. Kelangan ko rin pala maghanda ng powerpoint presentation complete with charts and statistics para maipakita sa kanya ang advantage ng dsl/broadband connection versus dial-up. Hindi sya madaling i-convince. Favorite line - Gastos lang yan!
6. MY BIRTHDAY - Kahit ayoko i-celebrate dahil tatanda na naman ako. I’m looking forward kasi na makita si Joycee at iba pang friends na pinangakuan ko ng EB basta may dalang regalo wahehe
7. MAKABIT YUNG BRACES KO SA UPPER TEETH - May gaps {diastema} kasi ko sa lower teeth. Nabunutan kasi ko ng molar nung kabataan ko. Isa daw yun sa mga dahilan sabi ni dok. Ilan taon din akong nagmakaawa sa tatay ko para dito. Sa wakas na-convince ko rin sya na hindi lang for aesthetic reasons ito. Nakabit na yung sa lower teeth..eto nga di ako makakain ng maayos. Next week yung sa upper teeth naman. Sana makabit na para lalong hindi ako makakain..In short papayat ako wuuuhooo!
8. BUMALIK YUNG MGA NAGHA-HAYBERNEYT NA BLOGGERS - Napansin ko rin naman na medyo tahimik ang blogosphere. Parang ang busy ng lahat. Wala na din akong ganong nasasagap na tsismis. Madaming nagsusulputang blogs and it’s exciting pero andami ring nagpapahinga. Ang iba sadyang abala lang sa personal na buhay. {buti pa kayo meron nun} Gusto ko lang tawagin ang pansin ng mga sumusunod. Miss ko na kayo - revsiopao, glesy the great, and sis dok. Mga pagsubok lamang yan. Wag nyong isuko ang laban! Magpost naman kayo!
8 THINGS I DID YESTERDAY
1. Nagising ng late para sa appointment ko sa dentist. Buti na lang hindi pa rin sya ready. Yung usapang after lunch, naging 4 pm na.
2. Kumain muna ng lunch feeling ko ibibitay ako. I know mahihirapan na ko kumain after makabit yung braces kaya lalafang na ko to the max. Nilagang baka. Sarap!
3. Nakaupo na ko sa dentist’s chair. Medyo kinakabahan ako pero bahala na.
Doc: So yung sa taas muna kakabit natin?
Leyna: Doc kala ko sa baba muna.
Doc: Pwede din, pero kaya mo na ba?
Leyna: {lalong kinabahan} masakit po ba ikabit yan?
Doc: Oo masakit. {very encouraging huh?!}
Leyna: Nakakaiyak po ba.
Doc: Asus nakakaya mo nga magdoktor eh
Leyna: Ok doc game!
4. After 1 and a half hours natapos din. Asows hindi naman masakit. Pero mas maganda pala pag yung pain ina-anticipate mo na. Ready ka. Hindi ka mabibigla sa gitna. Parang love…awwwts!
5. Syempre nag-onlayn. Chat with Joycee syempre, {di kumpleto araw ko pag di ko nakakausap to}, chat with boysss some of my friendsss. Naglaro ng Vampire Wars. Tambay tambay sa mga forums.
6. Kumain ng hapunan. Nakakatamad. Sinisipsip ko na lang yung kaning may sabaw tapos lunok.
7. Nag-onlayn ulit.
8: Natulog habang nagtetext :P
8 THINGS I WISH I COULD DO
1. Sing and be good at it.
2. Dance and be good at it.
3. Visit Spain…kahit ayaw na nya kong samahan. lolz
4. Eat healthy. Eat vegetables.
5. Play the drums..ok piano na nga lang.
6. Ride the roller coaster.
7. Swim.
8. Watch my favorite foreign bands live.
8 SHOWS I WATCH
- almost a year na kong di masyadong nakaka-panood ng tv. Mga not so recent favorite shows ko na lang.
1. Meteor Garden {hanggang ngayon inuulit ko pa din sa DVD}
2. Endless Love: Winter Sonata
3. Maging Sino Ka Man {dahil kapamilya ako at dahil andito si JLC..sana may magregalo sa kin ng DVD hihi}
4. Rockstar: Supernova/INXS {American Idol for rockers}
5. Fear Factor
6. Great Teacher Onizuka {nag-iisang anime na nasubaybayan ko}
7. Kahit ano sa National Geographic, Discovery Channel or Animal Planet.
8. Moonlight {ilang beses ko ng naulit sa DVD}
8 PEOPLE I TAG
1. Potpot 2. Kuya Utoy 3. Netots 4. Lovely 5. Mumu sa Kanto 6. Teen Toinks 7. Ikay 8. Arnie
**Medyo pagod nga lang siguro ako. Pati title nitong post wala akong maisip kaya hiniram ko na lang yung titile ng isa sa fave movies ko. Wala na munang masyadong update. Visit nyo sana yung contest ni Bes at sali naman kayo, syempre vote for her din sa Top 10 Emerging Influental Blogs of 2009. Oist yung gip namin ha.
(more…)
What About Love
Next month, {June 12 and 15} birthday na namin ng Bes ko. Sino ba ang mag-aakala na 3 days after ng kaarawan ko eh kaarawan din ng babaeng to. I dunno why we clicked as friends..as sisters? Basta ang alam ko lang nung araw na nagkakilala kami pareho kaming depressed, brokenhearted and super down. Sa blogging namin naisipang kumapit and with a sudden twist of faith. Nasira ang blog nya, I’ve helped her a bit…pinuwersa niyaya nya kong mag sign-up sa plurk. Eversince, di na kami mapaghiwalay.
Pinakekelaman namin ang buhay ng isa’t isa. Nagkakampihan versus the headbands {mga sakit sa ulong lalake} of our lives. Tinatag ang isa’t isa. Binubuhat kapag nadadapa. Kinukulit ang isa’t isa sa text kapag di pa nag-oonlayn. Ang motto nga namin: "Mawawala silang lahat, tayong dalawa pa rin ang maiiwan sa dulo."
We have a deep level of honesty with each other pero naiiwan pa rin yung respect…yun bang alam mo na kahit gaano kayo kalapit sa isa’t isa. May mga bagay pa rin na we won’t force with each other. May mga certain personal things na hindi namin kukuliting malaman kaagad if we know, one of us is uncomfortable sharing it. I won’t thank her now kasi redundant na. I thank her everyday sa dami ng bagay na we always find as beautiful kahit gaano kalungkot, kasakit, kahirap still. . .
we always find LOVE as beautiful.
I just want to make a promise to her na: I’ll stay no matter how difficult life gets. In every inevitable decisions that I may take, I won’t leave. And I will do more than the best I can to keep that promise. Pinky promise!
Darating si Zeus. Magtu-tuos na naman kami. Alam ko pinakamasaya na naman ang mga unang linggo namin. Maghapon naming titigan ang mga pasalubong nyang tsokoleyts, pabangong Lacoste, Gucci, Chanel and the likes {awww so konya!}. Period. Yun lang. Ganun lang naman madalas ang pasalubong nya. Syempre kasama na din mga sabon, Nesquick, tuwalya, kitchen knives at malulupit na gunting na ipinuslit nya sa barko. Mga souvenir ballpens wag natin kalimutan; pati souvenir shirts nya ng "Houston", "Barbados", "New York" etc; coins from around the world; cotton buds at toothpicks na pagkarami-rami. Lahat ata ng madampot nyang bagay dun eh inuuwi. Amusing!
Madalas naman sya mag-uwi ng gadgets noon tulad ng cellphone, plantsa, hair dryer, pang-ahit na de-saksak {gadgets ba yun?}. Later on kinalawang na yata ang angking talino nya sa pag-scrutinize ng mga produktong binibili nya. Ilang beses syang nakapag-uwi ng mga dispalighadong cellphones. Nasayang ang pera nya.
Papang: Nak may nagbebenta dito ng phone mura lang. Gusto mo bilhan kita maganda ang design nya.
Heleyna: Eh ano bang unit yan. Nokia?
Papang: Hindi ko alam. NTC lang nakalagay. Parang N-series N99 daw ito.
Heleyna: Anong N99 eh N93 pa lang ang latest dito. Hanep sa advance ang teknolohiya dyan ha!
Papang: {may halong lungkot ang boses} Ano ayaw mo?
Heleyna: Nakow wag na yan, madali yan masira.
At tulad ng inaasahan bumili pa din sya ng China phones. Hindi N99 kasi ayon sa design mukhang Sony Ericsson ang hawig ng phones na to. Pagkauwi pa lang nya, hindi na nag-charge ang isa, hindi na rin ma-open. Yung isa nagamit pa ng ilang buwan at bumigay na din. Ganun pala mga China phones - madaling ma-homesick.
LESSON LEARNED: Kung bibili ka ng China phone sa China ka na rin tumira, para mahabol mo pa yung nagbenta.
On the second week malamang magyaya syang kumain sa labas. Sky is the limit. Sa Friday’s ang peyborit ng mga kapatid ko. Bakit? Eh wala na kaming ibang alam na restawran bwahaha. Mauubos ang limang libo nya. Oorder pa yan ng isang bote ng wine kahit sya lang naman ang iinom. Wala lang - pogi points lang sa mga chicks sa paligid. Pag andun kami, dapat prim and proper. Bawal tumawa ng malakas, bawal magkilitiian, bawal kumain ng mabilis, bawal magbatukan. Bawal daw ang astang iskwater dun. Kasuya sana nagpicnic na lang kami sa Luneta.
Pagkatapos ng mala-fairytale na 2 weeks na yan. Kasabay na rin ang unti unting pagkaubos ng mga dala nyang dolyares. Magsisimula ng uminit ang ulo nya. Hindi na Chivas Regal at Rémy Martin (more…)






